Isang nililok na bato, $1M ang halaga

Isang nililok na bato, $1M ang halaga

October 26, 2020 @ 2:05 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Russia – Nagkakahalaga ng ng halos $1 milyong ang isang nililok ng bato sa Russia.

Ginawa ito sa isang stonecutting workshop upang maipasa ang pamana ng legendary Russian jeweler na si Peter Carl Fabergé.

Ang volumetric mosaic ay ang pinakakomplikadong at teknikal na paglililok.

Likha ito ni Alexei Antonov na itinaas sa ibang lebel ang volumetric mosaic.

Sinamahan niya ito ng mamahaling mga bato sa isang detalyadong likha.

“Initially, we wanted to revive the almost forgotten art of stone working, but over time, we realized that a lot had changed over these hundred-plus years,” aniya sa isang panayam ng Russia Beyond.

“If previously the scope of work was limited by the small size of an expensive stone, today we use technology that allows us to increase the volume of a figure while maintaining the exquisite workmanship.”

Ang kanyang mga likha ay animo’y 3D.

Ibinebenta niya ito depende sa laki.

Ang isang obra na may taas na 23 cm ay may presyong aabot sa $20,000 habang ang 30 cm ay $100,000.

Ang pinakamalaki nitong obra ay isang metro na may bigat na 100 kg na aabot sa isang milyong dolyar.

“An artistic interpretation of any character is a great responsibility because the art of a stonecutter is eternal and our works will be sitting on museum or collectors’ shelves in 200 years’ time,” aniya. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...