#IsangPH bahagyang lumakas; storm signal ‘di pa itataas

#IsangPH bahagyang lumakas; storm signal ‘di pa itataas

August 20, 2021 @ 1:28 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bahagya pang lumakas si Tropical Depression Isang habang binabagtas ang kanluran ng Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“No Tropical Cyclone Wind Signal is currently in effect,” ayon sa PAGASA.

Batay sa ulat ng ahensya, wala pang epekto sa bansa si Isang at hindi malalakasin ang epekto ng habagat sa kapuluan.

Huli itong namataan sa 975 kilometro silagan ng Extreme Northern Luzon na may taglay na hanging aabot sa 55 km kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 70 kph sa bilis na 20 kph.

Inaasahang lumakas pa ito sa Sabado ngunit hihina sa pagdaan sa Ryukyu Islands at East China Sea.

Lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Isang sa Linggo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •