#IsangPH ganap nang severe tropical storm

#IsangPH ganap nang severe tropical storm

August 22, 2021 @ 8:33 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Itinaas na sa severe tropical storm si Isang habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility, batay sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling nakita si Isang sa 560 kilometro hilagang0-silangan ng Itbayat, Batanes.

May taglay itong hangin na aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 115 kph sa bilis na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, hindi ito makaaapekto sa bansa at hindi palalakasin ang habagat.

Inaasahang lumabas si Isang sa PAR, tanghali o hapon ng Linggo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •