Ischemic heart disease, top killer sa 2020, 2021

Ischemic heart disease, top killer sa 2020, 2021

February 15, 2022 @ 10:15 AM 5 months ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso nitong Lunes, nagpaalala ang Philippine Heart Association sa publiko na hindi lang sa pamamagitan ng paglayo sa mga taong toxic sa buhay ang sagot para mapangalagaan ang puso.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng PHA na ang nangungunang killer disease sa bansa noong 2020 at 2021 ay ischemic heart disease at COVID-19.

Ang ischemic heart disease ay sumaklaw sa pagkamatay sa 18.7% ng kabuuang pagkamatay sa bansa noong unang bahagi 2021.

Dahil dito, hinimok ng PHA ang publiko na isama ang bagong 5-2-1-0-0 o teknik o ang limang servings ng gulay at prutas, 2 gramo ng asin, 1 oras na ehersisyo, zero smoking, at zero sugary drinks.

Gayunpaman, nabanggit ng asosasyon na ang limang servings ng prutas sa isang araw ay hindi inirerekomenda para sa mga problema sa antas ng glucose.

“Fruits have high glucose content thus people with sugar level issues have to watch their fruit consumption,” sabi nito.

Hinimok din ng PHA ang publiko na iwasang maliitin ang angina, na maaaring sintomas ng atake sa puso at stroke.

Ang angina ay karaniwang isang sakit o pagkaramdam ng ‘dsicomfort’ sa gitna ng dibdib; sakit sa mga braso, kaliwang balikat, likod, siko at panga; igsi ng paghinga; pagduduwal, pagsusuka, pamamanhid ng isang bahagi ng katawan; pagkawala ng balanse at koordinasyon, masakit na sakit ng ulo at nahimatay.

“People tend to forget that what matters most is the heart[.] Did you know that it takes 40 years to have heart disease?” ani PHA president Dr. Gilbert Vilela sa isang pahayag. RNT