Isinusulong na pederalismo, maraming dapat linawin

Isinusulong na pederalismo, maraming dapat linawin

August 10, 2018 @ 11:27 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Napakarami pang dapat linawin o ipaliwanag kaugnay sa isinusulong na pederalismo.

Ani Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang dito ang mga katanungan ng mga economic managers mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“No, he wants to find answers to unanswered questions; that’s what I believe he said ‘no. He asked questions about who was going to fund national defense and all that ‘no. Well, right now I could easily answer this 50 percent of the budget for that purpose ‘no,” ani Sec. Roque.

May mga probisyon aniya ang draft Federal Constitution na binuo ng Consultative Committee (ConCom) ang dapat himayin gaya sa funding ng national defense at kung ano ang mangyayari sa mga line agencies kapag naging pederal na ang sistema ng pamahalaan.

Siniguro naman ni Sec. Roque na suportado ng mga economic managers ang pederalismo at may isyu lamang sa kung paano ito ipaiiral.

“As envisioned by the Consultative Committee ‘no, really the line agencies will remain but they will be policy making and the project implementation will be given to the regional governments. So in my mind, it’s doable,” ang pahayag ni Sec. Roque. Kris Jose