ISIS, inako ang pagsabog sa Pakistan na ikinamatay ng higit 100

ISIS, inako ang pagsabog sa Pakistan na ikinamatay ng higit 100

July 14, 2018 @ 5:07 PM 5 years ago


Pakistan – Inako ng teroristang ISIS ang nangyaring pagpapasabog sa campaign rally sa Mastung, Pakistan.

Mahigit sa 100 naitalang patay kabilang ang lokal na kandidato nang pasabugan ang kampanya ni Baluchistan provincial assembly candidate Siraj Raisani.

Sa inisyal na ulat, isang suicide bomber umano ang pumunta sa gitna ng mga tao bago ito magpasabog.

Nauna rito, apat din ang namatay sa isang campaign convoy na inatake.

Nangyari ang mga ito bago ang national election na nakatakdang idaos sa Hulyo 25, 2018. (Remate News Team)