Iskedyul ng ‘localized Traslacion’ inilabas ng Quiapo Church

Iskedyul ng ‘localized Traslacion’ inilabas ng Quiapo Church

December 8, 2021 @ 10:33 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Minor Basilica ng Black Nazarene o Quiapo church ang iskedyul ng pagbisita ng imahe sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sa video message na inilabas ng Simbahan, sinabi ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar, na ang “localized Traslacion” ay pinalawak upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ang imahe ng Itim na Nazareno ay bibisita sa sumusunod na mga lugar mula Dec. 27, 2021 hanggang Jan. 8, 2022:

  • Dec. 27 to 29, 2021: Atimonan Catholic Church, Atimonan, Quezon

  • Dec. 28 to 30, 2021: The Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement (Baguio Cathedral)

  • Dec. 29, 2021 hanggang Jan. 2, 2022: St. Ferdinand Cathedral, Lucena City

  • Dec. 30, 2021 hanggang Jan. 2, 2022: Birhen ng Antipolo – Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral)

  • Dec. 31, 2021 hanggang Jan. 1, 2022: Caritas Manila

  • Jan. 1 – 2, 2022: Chapel of St. Lazarus (San Lazaro Hospital); at Shrine of Our Lady of Namacpacan, La Union

  • Jan. 2 – 3, 2022: National Capital Region Police Office; St. John the Evangelist Cathedral, Lingayen, Dagupan; Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit (San Pablo Cathedral); at San Roque Cathedral – Diocese of Kalookan

  • Jan. 3 – 4, 2022: Manila Public Information Office (Manila City Hall); St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral Cabanatuan City; Metropolitan Cathedral of San Sebastian – Archdiocese of Lipa; Novaliches Cathedral

  • Jan. 4 – 5, 2022: Greenbelt Chapel, Ayala Center; San Sebastian Cathedral Parish Tarlac, Poblacion, Tarlac City; the Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba, Calamba City; and the Immaculate Conception Cathedral of Cubao

  • Jan. 5 – 6, 2022: Bureau of Fire Protection – main office; Katedral ni San Jose, Nueva Ecija; Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar (Imus Cathedral); and the Immaculate Conception Cathedral of Pasig

  • Jan. 6 – 7, 2022: DZRV 846 / Radyo Veritas 846; Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga; ang Cathedral Parish of St. Andrew, Parañaque; at Manila Cathedral – Minor Basilica of the Immaculate Conception

  • Jan. 7 – 8, 2022: San Carlos Seminary – Archdiocese of Manila, Guadalupe, Makati; Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica; and Baclaran Church – National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Parañaque

  • Jan. 8, 2022: The Nazarene Catholic School, Hidalgo St., Quiapo, Manila

Nanatili namang suspendido ang tradisyon na Traslacion ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand sa Luneta Park hanggang Quiapo Church sa Quezon Boulevard, dahil sa banta pa rin ng Omicron variant ng COVID-19

Hinimok naman ang mga deboto na nais magtungo sa Simbahan sa Enero 9 na siguruhing bakunado laban sa virus at mahigpit sa safety health protocol.

“If you are joining the festivities, you must be fully vaccinated and always bring your vaccination card or ID, keep wearing a face mask and face shield, and bring your own hand sanitizer,” sinabi naman Quiapo Church social communications ministry head, Fr. Danichi Hui sa hiwalay na abiso.

Tiniyak din ng basilica na tuloy-tuloy ang live streaming ng misa para sa mga deboto sa bahay na nais makibahgi sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Enero 2020 nang huling isagawa ang Traslacion bago magkaroon ng COVID-19 sa bansa kung saan inabot ng higit 16 oras ang prusisyon bago tuluyang nakapasok sa Simbahan ang andas ng Itim na Nazareno.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)