Iskedyul ng LRT ops, paiikliin

Iskedyul ng LRT ops, paiikliin

December 13, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magpapatupad ng mas maikling oras ng operasyon sa LRT2 sa Disyembre 24 (bisperas ng Pasko) at Disyembre 31 (bisperas ng Bagong Taon), sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes.

Ang iskedyul ng biyahe sa December 24 ay alas-8 ng gabi para sa last trip sa Recto Station habang alas-8:30 ng gabi naman sa Antipolo.

Ang last trip naman sa December 31, 2022 ay alas-7 ng gabi sa Recto station habang alas-7:30 ng gabi naman sa Antipolo.

Lahat ng istasyon ay magbubukas ng alas-5 ng umaga.

“Since there will likely be fewer passengers on these days, the operating hours will be shortened. It also aims to give the LRT2 frontline personnel an opportunity to celebrate with their families this holiday season,” ayon sa LRTA.

Samantala, ang regular operating hours ay alas-5 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi na susundin sa Disyembre 25 (Araw ng Pasko), Disyembre 30 (Rizal Day), at Enero 1, 2023 (Araw ng Bagong Taon).

Ang “No Inspection, No Entry” policy ay ipapatupad pa rin ng LRTA patungkol sa lahat ng gamit ng mga pasahero, kabilang ang mga nakabalot bilang regalo. Jocelyn Tabangcura-Domenden