Iskedyul sa oathtaking ng mga bagong engineer inanunsyo na

Iskedyul sa oathtaking ng mga bagong engineer inanunsyo na

November 18, 2022 @ 7:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na mayroon nang petsa ang isasagawang oathtaking ng mga nakapasa sa Chemical Engineer Licensure Examination.

Sa abiso ng PRC nitong Huwebes, Nobyembre 17, sinabi nito na ang face-to-face mass oathtaking ay mahahati sa dalawang seremonya.

Ang isa ay isasagawa sa Cagayan de Oro City bukas, Nobyembre 19, ala-3 ng hapon samantala ang isa naman ay sa Cebu City sa Nobyembre 5, ala-5 ng hapon.

“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face oathtaking shall register not later than 12 [noon] of the day prior to the date of oathtaking,” anang Komisyon.

Abiso naman ng PRC sa mga dadalo, maliban sa pagpaparehistro online ay dapat din na magdala ng vaccination card at negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result na isinagawa 48 oras bago ang araw ng oathtaking.

Ang hindi naman makadadalo sa in-person seremony ay maaaring dumalo naman online o humiling ng “special” oathtaking day.

Sa kaugnay na balita, inanunsyo rin ng PRC na isasagawa rin ang oathtaking ng mga newly registered electrical at master engineer sa Nobyembre 25 sa Grand Men Seng Hotel, Magallanes Street sa Davao City.

“Inductees [shall] register and confirm their attendance in the regions where they took licensure examination and intend to register as professionals,” ayon sa pahayag. RNT/JGC