Isko, Bongbong, Pacquiao pagpipilian ni Digong kung ‘di tatakbong Pangulo sina Inday, Go

Isko, Bongbong, Pacquiao pagpipilian ni Digong kung ‘di tatakbong Pangulo sina Inday, Go

April 8, 2021 @ 7:57 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May tatlong prominenteng pangalan na ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ieendorso bilang kapalit sa pagka-Pangulo kapag hindi tatakbo sina Davao Mayor Sara Duterte at Senador Bong Go sa 2022 presidential elections.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang “choice” ni Pangulong Duterte ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at dating Senador Bongbong Marcos.

“In the end, kapag hindi tumakbo si Sara, hindi tumakbo si Bong Go, because he will only run for president if the president will run for vice president, the president will have to choose who has the number,” ayon kay Sec.Roque.

“He will have to choose from Isko, Manny Pacquiao, and Bong Bong Marcos kasi wala naman nang iba,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang binanggit ni Mayor Sara na maaari siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2034 at hindi sa 2022.

Aniya pa, ang kandidato na ie-endorso ng Pangulo sa nasabing eleksyon ay “big deal” sa kanyang approval rating na dapat ay manatiling mataas.

“The presidential endorsement will be formidable. Not only that, it’s not just the endorsement, it’s the machinery of government that will be working for the anointed candidate of the president,” anito.

At sa tanong kung tatakbo siya sa 2022 elections ay sinabi ni Sec. Roque na hindi siya sigurado.

“When you want to serve, you need to have the resources. So ako po, talagang hindi pa sigurado rin kasi nga it really depends if I have the resources,” pahayag nito. Kris Jose


  •  
  •  
  •