Isko, inokray bilang Ninoy!

Isko, inokray bilang Ninoy!

November 28, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Finally, kasado na ang sequel ng Maid in Malacanang.

Ito ‘yung Martyr or Murderer.

Pero this time around, mas lamang ang focus ng pelikula ni Darryl Yap sa karakter ni Ninoy Aquino.

Of the cast members of MIM ay si Cesar Montano pa rin ang gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Public knowledge na makasaysayan ang pagkakapaslang kay Ninoy noong August 21, 1983.

Doon ipinanganak ang malawakang protesta that led to the Marcoses’ exile in Hawaii at the height of the People Power Revolution in 1986.

It eventually installed Ninoy’s widow Cory Aquino to power.

And the rest, ‘ika nga, is history.

May mga nagpapalagay na nasa likod ang mga Marcos sa pagpaslang kay Ninoy sa tarmac ng noo’y Manila International Airport.

Until his death, Ninoy had served as a fearless lawmaker na inilalarawan bilang tinik sa panunungkulan ni Marcos.

Eyed to play Ninoy’s role is former Manila City Mayor Isko Moreno.

Pero hindi pa man ay umaani na ng pamimintas si Isko comparing him to his character.

Si Ninoy daw kasi ay kilalang matatas sa pagsasalita ng wikang Ingles.

May American twang din daw ito’t mabilis magbitaw ng kanyang mga matalinong pangungusap nang walang ka-effort-effort.

Sa aspetong ito raw mukhang mahihirapan si Isko na kumbinsihin ang mga manonood na swak siya sa role.

Si Jerome Ponce ang gaganap bilang young Ninoy samantalang si Marco Gumabao will play the young Marcos. Ronnie Carrasco III