Isko: Let Leni withdraw

Isko: Let Leni withdraw

April 17, 2022 @ 1:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno nitong Linggo kay Vice President Leni Robredo na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa Halalan 2022, at sinabing tumakbo lamang siya sa posisyon upang mapigilang makabalik sa Malakanyang ang pamilya Marcos.

Sa isinagawang joint press conference, inialok ni Moreno ang kanyang sarili bilang alternatibong kandidato kung nais ng mga Pilipino ng “peace of mind.”

“On top of your problem, our problem as a country and as a citizen at problema ng ating pamilya araw-araw, at the very least I can give you peace of mind–kapanatagan. Time to move on,” giit niya.

Binigyang-diin ng alkalde na dapat gawin ni Robredo ang “supreme sacrifice” upang matalo ang frontrunner na si former Senator Ferdinand Marcos Jr. sa presidential race.

“Kung meron mang supreme sacrifice, ‘yung number 2 (sa survey) should do and start. Let Leni withdraw. Withdraw, Leni, if you love your country,” ani Moreno.

“I’m calling for Leni to withdraw. Whatever you’re doing is not effective against the Marcoses. Withdraw, come and join us. Pwede pa-sub? Pa-sub naman. Baka kami maka-3 points, isa sa amin,” aniya pa.

Samantala, sinabi ng kampo ng bise presidente na maglalabas sila ng pahayag ukol sa naturang press briefing bago matapos ang araw. RNT/SA