Iskul sa Dagupan waging World’s Best School for Environmental Action

Iskul sa Dagupan waging World’s Best School for Environmental Action

October 21, 2022 @ 8:22 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang pampublikong high school sa Dagupan City ang ginawaran ng World’s Best School for Environmental Action ng global education organization na T4 Education.

Ang Bonuan Buquig National High School sa Dagupan City ay ginawaran para sa matagal nang pagsisikap nito sa muling pagtatanim ng mga mangrove forest na sinalanta ng Bagyong Pepeng noong 2009, ayon sa T4 Education.

Ikinatuwa naman ng prinsipal na si Renato Santillan ang nasabing pagkilala.

“Sa loob ng labindalawang taon, kaya namin ginagawa ng paaralan ang mangrove planting, ay dahil sa pagmamahal namin sa kalikasan. Bagamat napakaliit na hakbang, pero may mas malawak na tinitingnan,” ani Santillan.

Bukod sa pagkilala, makakakuha rin ang iskul na $50,000 (P2,949,351.20) na premyo. RNT