Isla Verde Passage, nanganganib sa oil spill

Isla Verde Passage, nanganganib sa oil spill

March 14, 2023 @ 10:39 AM 2 weeks ago


MANILA- Pinangangambahan ng isang eksperto na nanganganib ang Verde Island Passage, na sentro ng marine biodiversity sa buong mundo na posibleng abutin ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Mindoro Oriental.

Ayon kay Dr. Irene Rodriguez ng University of the Philippines-Marine Science Institute (UP) -MSI), sa pagitan ng Marso 10 at 16, ay maaaring makarating sa Verde Island Passage, ang oil spill.

“Dahil dun sa pagbabago ng hanging amihan, magpe-play ng mas malaking role ‘ung ocean currents, ito ngayon ang magdidictate ng flow towards the Verde Island Passage,” ani Rodriguez.

Ang Isla Verde at matatagpuan sa pagitan ng Batangas at Mindoro, na isang mahalagang breeding ground at tirahan ng iba’t ibang marine organism.

“So down the line, maaapektuhan siyempre ang ating food sources and that will lead to effects on livelihood sources,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Philippine Coast Guard spokesperson Armand Balilo, na handa itong makipagtulungan sa UP-MSI kahit pa sinabi nito na batay sa mga kuha ng National Mapping and Resource Information Authority, nanatiling sarado ang tangke na naglalaman ng langis na dala ng barko.

“Parang hindi pa talaga ma-confirm kung ito yung industrial fuel kasi hindi nagtutuoy-tuloy ‘yung bulwak nya,”ani Balilo.

Siniguro naman ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na patuloy nilang binabantayan at sinisikap ang pagkontrol na makapasok ang oil spill.

Samantala, sinabi nama ng lokal na pamahalaan ng Calapan, Mindoro na hindi apektado ng oil spill ang mga beach nito at nanatiling bukas sa mga bisita. Mary Anne Sapico