Ismagel na yellow onions nakulimbat ng DA sa NCR markets

Ismagel na yellow onions nakulimbat ng DA sa NCR markets

November 25, 2022 @ 11:42 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na nasamsam nila ang mahigit P200,000 halaga ng smuggled yellow onions sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, nangako ang DA na paigtingin ang koordinasyon sa iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno para maiwasan ang pagdami ng mga smuggled agricultural commodities sa merkado.

“We will continue to work with other agencies of the government to protect the livelihood of our farmers and fishers,” ani Assistant Secretary and DA-Wide Field Inspectorate James Layug.

Inilabas ni Layug ang pahayag nang masamsam nila ang daan-daang kilo ng smuggled na sibuyas sa operasyon noong nakaraang linggo sa Divisoria, Mutya ng Pasig, at Balintawak markets.

Sinabi ng DA na nasamsam ng mga awtoridad ang kabuuang 105 sako ng smuggled yellow onions mula sa Divisoria, Mutya ng Pasig, at Balintawak markets na may kabuuang timbang na 744 kilo, na nagkakahalaga ng P225,000.

Agad na itinapon ang mga smuggled na sibuyas. RNT