Isnaberong drivers pagmumultahin!

Isnaberong drivers pagmumultahin!

December 6, 2022 @ 10:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “Oplan Isnabero” laban sa mga pasaway na taxi driver sa inaasahang pagdami ng pasahero sa holiday season.

Kaya naman hinimok ng LTFRB ang publiko na i-report ang mga taxi driver na mang-i-snob o pipili ng mga pasahero.

Bukod sa hotline nito, nag-adopt ang ahensya ng QR-code na ipo-post sa mga pampublikong sasakyan kung saan madaling mai-report ng publiko ang mga maling driver.

Ang mga taxi driver na mapapatunayang mag-snob/pumili ng pasahero ay magkakaroon ng mga sumusunod na multa:

  • P5,000 para sa 1st offense

  • P10,000 para sa 2nd offense at;

  • 15,000 at posibleng mabawi ang franchise unit para sa 3rd offense.

Samantala, nasa 1.15 milyong pasahero ang nag-avail ng Libreng Sakay program mula Disyembre 1 hanggang 4, ayon sa datos ng LTFRB.

Nasa 100 bus ang nakikibahagi sa 24/7 na oras ng pagpapatakbo ng programa, na tatagal hanggang Disyembre 31. RNT