Isolation rooms sa quarantine facilities inihirit ng IATF

Isolation rooms sa quarantine facilities inihirit ng IATF

January 14, 2022 @ 6:40 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Binigyan ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng isolation rooms.

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution 157.

“The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for hotels used as quarantine facilities to be likewise used as isolation facilities is adopted, subject to specific protocols that may be issued by the BOQ-DOH (Bureau of Quarantine-Department of Health),” ayon sa IATF resolution.

“This was done so that individuals who tested positive for COVID-19 while in quarantine will be easily isolated rather than traveling to another facility,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay nagresulta sa RT-PCR COVID 19 test laboratories para dagsain ng mga specimens na naghihintay na ma-proseso at ang pagkaantala ng turnaround time para sa pagpapalabas ng test results.

“So parang may domino effect itong ano eh, ‘yung dami ng mga nagpapa-test ngayon. Hindi lamang sa mga umaalis kundi pati sa nanunumbalik,”ayon Kay OWWA Administrator Hans Cacdac.

Sa kabilang dako, tuluyan nang inalis ng Pilipinas ang mandatory quarantine para sa mga fully vaccinated travelers mula Green List countries o areas na may low risk of COVID-19 infection, iyon nga lamang, kailangan na mag-presenta ang mga ito ng negatibong RT-PCR test na ginawa 48 hours bago ang departure sa bansa kung saan sila nagmula at kailangan na mag- self-monitor para sa kahit na anumang sign o sintomas sa loob ng pitong araw kung saan ang unang araw ay ang petsa ng kanilang pagdating.

Ang listahan ng Green List countries mula Enero 16 hanggang 31 gaya ng nakasaad sa IATF Resolution 157-B ay kinabibilangan ng:

  • Bangladesh

  • British Virgin Islands

  • Djibouti

  • The Gambia

  • Hong Kong

  • Japan

  • Montserrat

  • Oman

  • Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands)

  • Sierra Leone

  • Timor Leste

  • Benin

  • China

  • Equatorial Guinea

  • Ghana

  • India

  • Kosovo

  • Morocco

  • Pakistan

  • Saint Barthelemy

  • Sint Eustatius

  • Uganda

  • Bhutan

  • Cote d Ivoire

  • Falkland Islands (Malvinas)

  • Guinea

  • Indonesia

  • Kyrgyzstan

  • Niger

  • Paraguay

  • Senegal at

  • Taiwan.

Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas ng 34,021 bagong COVID-19 cases sa isang araw, itinuturing na pinakamataas simula nang magsimula ang pandemiya na tumama sa bansa noong Marso 2020. Kris Jose