Ispekulasyon sa sunod na Santo Papa, premature pa-CBCP

Ispekulasyon sa sunod na Santo Papa, premature pa-CBCP

August 12, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga pag-uusap tungkol sa kung sino ang susunod na papa ay premature pa.

Sinabi ni CBCP Permanent Committee on Public Affairs (PCPA) executive secretary Fr. Jerome Secillano, ang pagtalakay sa usapin ay napakaaga pa dahil si Pope Francis ay nasa tuktok pa rin ng kanyang karera bilang pinuno ng Simbahang Romano Katoliko.

“Pope Francis continues to be at the helm of the papacy and shows no indication of cutting short his tenure. All this talk about his possible resignation is basically just a media narrative meant to politicize an otherwise sacred election called the conclave,” dagdag niya.

Kasabay nito, hiniling ni Secillano sa mga mananampalataya na ipagdasal ang pamumuno ni Pope Francis na kayang harapin ang lahat ng hamon.

“Let’s just pray for Pope Francis and all his collaborators that they may stir the Catholic Church in the right direction as the church continues to face scrutiny and challenges at the moment,” sabi ng Pari.

Ito ay matapos mabanggit
si dating Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, who is now the Vatican’s Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples bilang isa sa posibleng kalaban para sa papasiya.

Pinangalanan din ng isang London-based Roman Catholic monthly newspaper Catholic Herald si Cardinal Péter Erdő, ang Arsobispo ng Esztergom-Budapest sa Hungary, bilang isa sa kandidato para sa nasabing katungkulan.

Nitong Miyerkules, sinabi naman ni Tagle na ang naturang usapin ay ‘untimely’.

“The Holy Father is still strong and he announced that he will not resign even though he has difficulty walking. So the matter of who can succeed him is not timely,” sabi ni Tagle sa isang panayam sa telebisyon.

Maaalala na sinabi ng Santo Papa na “bukas ang pinto” para sa kanyang pagreretiro ngunit ibinukod din na siya ay bababa sa puwesto anumang oras sa lalong madaling panahon.

Si Pope Francis, noon ay Arsobispo ng Buenos Aires na ang tunay na pangalan ay Jorge Mario Bergoglio, ay inihalal ng conclave noong Marso 2013, na pinalitan si Pope Benedict XVI na nagbitiw dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden