Israel sarado sa lahat ng dayuhan sanhi ng Omicron

Israel sarado sa lahat ng dayuhan sanhi ng Omicron

November 28, 2021 @ 1:24 PM 2 months ago


JERUSALEM- Inanunsyo ng Israel nitong Sabado na ipagbabawal nito ang pagpasok ng lahat ng dayuhan sa bansa,  ang unang bansa na magsasara ng buong teritoryo nito bilang tugon sa bago at maaaring mas nakakahawang variant ng coronavirus disease (COVID-19), at sinabing gagamit ito ng counter-terrorism phone-tracking technology upang mapigil ang pagkalat ng Omicron variant.

Sinabi ni Prime Minister Naftali Bennett na tatagal ng 14 na araw ang naturang ban. Umaasa naman ang mga opisyal na sa panahong iyon, mas marami nang impormasyon ukol sa bisa ng COVID-19 vaccines laban sa Omicron, na unang natuklasan sa South Africa at itinuturing na “variant of concern” ng World Health Organization.

“Our working hypotheses are that the variant is already in nearly every country,” pahayag ni Interior Minister Ayelet Shaked sa “Meet the Press,” “and that the vaccine is effective, although we don’t yet know to what degree.,” dagdag pa niya.

Kinakailangan namang sumailalim sa quarantine ng mga Israelis, kabilang na ang mga bakunado, ayon kay Bennett. Epektibo ang ban simula Linggo ng hatinggabi hanggang Lunes. Nauna nang ipatupad ang travel ban sa mga dayuhan galing sa mga bansa sa mga bansa sa Africa. RNT/SA