Israel, Saudi target tumanggap ng 1,800 Pinoy sa hospitality, healthcare sectors

Israel, Saudi target tumanggap ng 1,800 Pinoy sa hospitality, healthcare sectors

November 14, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ang Israel at Saudi Arabia na tumanggap ng kabuuang mahigit 1,800 Filipino workers sa hospitality at healthcare industries, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Base sa DMW, iniulat nitong Linggo na nangangailangan ang Israel ng 1,200 Filipino housekeepers para sa hotels at hostels sa bansa, na may starting monthly salary na 5,300 new Israeli shekels o mahigit P88,000.

Kabilang sa mga rekisitos ang National Certificate or NC II sa housekeeping, clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI), nasa edad na 25-anyos, Philippine citizenship, at walang karanasan na magtrabaho sa Israel.

Kailangan ding walang magulang, asawa, o anak na kasalukuyang nagtatrabaho sa Israel ang prospective applicants; kailang physically at mentally healthy; at kinakailangang may “good command” ng wikang Ingles.

Samantala, target ng Kingdom of Saudi Arabia na tumanggap ng 600 nurses na may starting salary na 4,000 riyal o P62,500.

Kinakailangang nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Nursing, may lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC), at halos isang taon na karanasan kasunod ng board examination. RNT/SA