Istranded passenger ship sa Bohol inasistihan ng PH Navy

Istranded passenger ship sa Bohol inasistihan ng PH Navy

March 3, 2023 @ 5:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inasistihan ng Philippine Navy (PN) ang mga pasahero at crew members na na-istranded na barko sa Talibon, Bohol noong Pebrero 28.

Sa pahayag nitong Biyernes, Marso 3, nagpadala ng dalawang patrol ships na BRP Filipino Flojo (PC-386) at BRP Enrique Jurado (PC-371) ang Naval Forces Central sa pamamagitan ng Naval Task Force 50, para asistihan ang Starlite Saturn, isang roll-on/roll-off (RoRo) passenger vessel na nastranded sa Bilangbilangan Island, Talibon.

“The said commercial vessel carries 157 individuals including 102 passengers and 55 crew members. The immediate response of PC-386 and PC-371 together with PCG (Philippine Coast Guard) vessel BRP Malamawi (FPB-2403) and some civilian motorized boats in the area to the said distressed vessel resulted to the safe transfer of 88 passengers to a SuperCat watercraft M/V St. Camael which subsequently ferried the said passengers to Pier 5, Port of Cebu, Cebu City,” ani Naval Forces Central public affairs office chief Lt. Michael John B. Savillo.

Samantala, ang 14 iba pang pasahero na pawang mga driver, ay nag-volunteer na manatili na lamang sa barko upang bantayan ang mga karga nito. RNT/JGC