Istriktong COVID protocol ikakasa sa Bar Exam

Istriktong COVID protocol ikakasa sa Bar Exam

October 5, 2022 @ 8:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Korte Suprema at local testing centers nito ng istriktong COVID-19 protocol para sa idaraos na Bar Examinations sa November 9, 13, 16, at 20, 2022.

Sa inilabas na Bar Bulletin ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, 2022 Bar Examinations Chairperson, inatasan ang mga examinees na sumailalim sa self-quarantine simula October 26, 2022, o dalawang linggo bago ang pagsusulit.

Pinayuhan din ang mga examinee na hangga’t maari ay iwasan tumira sa mga hotel at dormitoryo na mataas ang panganib na mahawaan ng COVID, maliban na lamang kung nakatira sa malayo ang kukuha ng bar.

Mahigpit na ipagbabawal pa rin ang “Bar operations” o ang pagtitipon-tipon ng mga tao bilang suporta sa examinee.

“For the health and safety of all persons inside the LTCs, examinees may be barred from taking the examinations if it is later known that “Bar operations” activities were conducted by their law school or organizations in the hotel where they are staying,” nakasaad sa bulletin.

Sinabi ni Caguioa na kailangan pumirma sa liability waiver ang mga examinees at personnel bilang pag sang ayon na walang pananagutan ang Supreme Court at LTC kung sakali na magkaroon sila COVID habang idinaraos ang Bar Examinations. Teresa Tavares