Istriktong tserman, binaril-patay!

Istriktong tserman, binaril-patay!

December 29, 2022 @ 7:16 AM 4 weeks ago


SAN FERNANDO—PAGHIHIGPIT ang isa sa tinitignan motibo ng mga awtoridad sa pamamaril patay barangay chairman matapos barilin ng hindi pa kilalang hitman, Martes ng gabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Barangay Chairman Jesus Liang, 63, ng Barangay Sto. Rosario, San Fernando City.

Batay sa report ng San Fernando-PNP, dakong 8:30 PM ng maganap ang krimen sa tapat ng bagong gawa na City Public Market sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa may plaza sa harap ng pamilihan ng biglang sumulpot ang suspek na armado ng armas.

Agad na nilapitan ng suspek ang biktima at binaril sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis na tumakas ang suspek patungo sa V. Tiomico St., ng naturang barangay.

Nabatid, na ikatlong termino na Liang sa pwesto bilang punong barangay.

Kwento ng ilang residente at mga mangangalakal sa palengke sa masyadong istrikto sa pagpapatupad ng mga patakaran si Liang.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek at agaran ikadarakip nito./Mary Anne Sapico