Isuko ang presidency kay Leni: Sec. Panelo, niresbakan si Hilbay

Isuko ang presidency kay Leni: Sec. Panelo, niresbakan si Hilbay

October 29, 2019 @ 4:44 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – ‘Kabalbalan.’

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa naging pahayag ni dating SolGen Florin Hilbay na isuko ng Pangulo ang kanyang presidency kay Vice President Leni Robredo sa halip na bigyan lamang ito ng 6 na buwan para tumayong drug czar sa pamahalaan.

Sinabi ni Sec. Panelo na special assignment lamang ito ni VP Leni kaya’t hindi aniya ito maituturing na cabinet post.

 “Wala, kabalbalan lang iyong sinasabi ni Hilbay. Ang sabi ni Presidente, hindi ibibigay kundi bibigyan siya ng—ide-designate siya as drug czar para siya ang magpatupad ng batas dahil marami siyang reklamo eh, kesyo bigo, kesyo ganiyan. O ‘di sabi ni Presidente, “O magaling ka pala, o sige ikaw na mag-drug czar. Bigyan kita ng anim na buwan, tingnan ko nga kung anong magagawa mo.” ayon kay Sec. Panelo.

Sinabi ni Sec. Panelo na tinext niya si VP Leni para sa naging alok sa kanya ng Chief Executive.

“You know, I texted the VP because she’s a friend. I told her in my text that the President is offering her to be the drug czar for six months. Sabi ko, ‘will you accept?’ Hindi naman sinasagot. Kumbaga… o sige, ikoko-call ko ‘yung ano mo, ‘yung mga banat mo. Sige nga, tingnan nga natin ang galing mo,” aniya pa rin.

Sa ngayon ay ang pahayag pa lamang ng Pangulo ang dapat na panghawakan ni VP Leni dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakapagpapadala ng sulat ang tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ukol sa naging hamon ni Pangulong Duterte sa Bise-Presidente.

“Hindi ba sabi ni Presidente susulatan niya. Wala pa siguro, baka ginagawa pa lang. But nevertheless, hindi naman kailangan na isulat iyon. Eh publicly sinasabi na nga. If she is up to it, then she can accept. But if she’s not at baka makita na talagang mahirap nga pala, o to put a lie to what she is saying eh hindi niya tatanggapin iyon,” aniya.

Tiniyak ni Sec. Panelo na hindi joke kundi seryoso si Pangulong Duterte nang alukin niyang maging drug czar si  VP Leni lalo pa’t seryoso aniya ang usapin ukol sa kampanya ng pamahalaan laban sa  illegal na droga.

“Seryoso iyon kasi nga—here comes your former colleague in the Cabinet that when you launched the drug war was in full supported it. And then noong mawala siya, banat siya nang banat pagkatapos ngayon sasabihin niya failure ang drug. Noong binanatan ko siya bigla siyang nag-back track, sabi niya hindi naman daw niya sinabi. Eh very clear iyong sabi niya eh, ‘ineffective iyong drug war,’ ‘di ba, iyon ang sabi niya. Tapos sabi niya, “Hindi, hindi ko naman sinabing ganoon. Sinabi ko lang na tingnan, pag-aralan. Ganito, palitan natin kung…”

 O kaya sabi ni Presidente, “O, eh sige magaling ka pala diyan. O sige bigyan kita, ikaw ang drug czar for six months.” ang litaniya ni Sec. Panelo. Kris Jose


  •  
  •  
  •