Isulan blast suspect, patay sa shootout

Isulan blast suspect, patay sa shootout

October 6, 2018 @ 4:44 PM 4 years ago


 

Sultan Kudarat – Napaslang ng tropa ng gobyerno ang isa sa mga pangunahing salarin sa madugong pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat sa ikinasang operasyon araw ng Sabado.

Nakilala ang suspek bilang si Norodin Taib, miyembro ng ISIS-Terror linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na napatay sa pakikipagsagupa sa mga elemento ng pulisya at militar sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Major Arvin Encinas, hinagisan umano ni Taib ng granada ang papalapit na tropa sa pinagkukutaan nito.

Subalit bago pa ang paghagis ng granada ay nagsipulasan ang mga kasamahan ni Taib na tanging sya lamang ang naiwan.

Dito na napuruhan si Taib sa pagganti ng putok ng tropa.

Si Taib at ilang kasamahan pa nito ang siyang itinuturong pangunahing mga suspek sa madugong pambobomba sa Isulan nitong Agosto 28 at Setyembre 2 2018 kung saan apat na sibilyan ang nasawi./Jeff Gallos