Isusuot na long gown, ipinasilip ni Nicole Budol!

Isusuot na long gown, ipinasilip ni Nicole Budol!

July 26, 2022 @ 10:36 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Inilabas ni Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl ang irarampa niyang long gown sa coronation night ng Binibining Pilipinas.

Ang gabi ng mga gabi ay nakatakda na sa July 31 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Instagram inilabas ni Herlene ang isusuot niyang blue gown.

Dinisenyo ni Rian Fernandez, ito’y may mataas na slit, sequined at may criss-cross pattern sa bandang skirt.

Nicole represents Angono, Rizal kung saan nagkaroon na siya noon ng beauty title.

Apat na titulo ang up for grabs, kabilang ang Miss Grand International na minimithi ni Nicole.

Ani Nicole sa kanyang pinakahuling panayam, win or lose ay ayos lang sa kanya dahil na- realize daw niya ang kanyang purpose higit sa pagiging maganda sa panlabas na anyo.

Sa early part ng nasabing local pageant ay naging instant crowd favorite na ang dating co-host ni Willie Revillame.

Kay Nicole, ang aming mainit na pagbati ng good luck sa kanyang pageant journey! Ronnie Carrasco III