Isyu ng comfort women ‘di tatalakayin sa Japan working visit ni PBBM

Isyu ng comfort women ‘di tatalakayin sa Japan working visit ni PBBM

February 1, 2023 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Malabong talakayin sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan ang isyu ng comfort women.

Ito ang sinabi ni DFA Assistant Secretary Neal Imperial nitong Miyerkules, Pebrero 1 sa press briefing sa Palasyo.

Aniya, ang naturang usapin ay ikinokonsidera nang “settled.”

“We don’t expect it to be raised but the position of the Philippines on this issue is that compensation claims by former comfort women is considered to be already settled as far as the government is concerned,” ani Imperial.

“All war-related claims are deemed to have been settled by our 1956 reparations agreement with Japan,” dagdag niya.

Anang DFA, ang pamahalaan ng Pilipinas ay “will not prevent private claims should such actions be pursued by victims on their behalf.”

“We will not stop the victims as this is an atrocious violence against women during the war,” sinabi pa ni Imperial.

Sa kasaysayan, ilang mga babaeng Filipino ang pwersahang pumasok sa prostitusyon at sexual slavery ng mga sundalong Hapon sa kasagsagan ng World War II.

Ang usaping ito ay unang nailantad sa publiko nang magsalita ang tatlong babae mula sa Korea kasabay ng Asian Conference on Traffic in Women noong Disyembre 1991 kung paano sila ginawang sex slaves ng Japanese Imperial Army noong World War II.

Mahiti 65 bona fide members ng Lila Pilipina, isang organisasyon ng Filipino comfort women, ang namatay na simula nang mabuksan ang isyu noong 1991.

Sa ulat naman, noong Abril 1993 ay nasa 18 comfort women mula sa Pilipinas ang naghain ng class action lawsuit sa Tokyo District Court para sa ¥360 million mula sa Japanese government.

Batay ito sa probisyon ng 1907 Hague Treaty kung saan pinoprotektahan ang mga sibilyan mula sa occupied territories at ayon sa batas ng Japan at Pilipinas. RNT/JGC