Isyu ng diskriminasyon sa HIV, AIDS tinalakay ng DOH, advocates

Isyu ng diskriminasyon sa HIV, AIDS tinalakay ng DOH, advocates

December 3, 2022 @ 2:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinalakay ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasama ng human rights advocates at legal practitioners ang mga paraan upang palakasin ang mga interbensyon upang matugunan ang mga isyu na may kaugnayan sa karapatang pantao sa HIV at AIDS.

Sa panahon ng diyalogo, tinalakay ng mga miyembro ng legal community ang mga medical nuances tungkol sa HIV at ang stigma o diskriminasyon na nararanasan ng mga People Living with HIV, kabilang ang mga pangunahing populasyon.

Dahil dito, humingi ang OIC ng suporta sa mga legal practitioner sa pagtugon sa mga kaso ng diskriminasyon at iba pang mga parusa alinsunod sa Republic Act 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.

“The implications and effects of the HIV epidemic extend far beyond the health sector. Hence, we rely on all of you to be champions of improving and making accessible comprehensive and integrated HIV services in the country–services not just limited to health, but include a broader range of services that aim to address the different determinants of health and HIV outcomes.”

“I want to remind everyone at, although HIV is incurable, it is preventable and manageable. Sa kasalukuyan, marami ng PLHIV ang namumuhay nang normal at ang iba pa nga ay nakabubuo ng mga pamilya bilang sila ay undetectable at untransmissible dahil sa mga antiretrovirals. HIV is no longer a death sentence; therefore, we must strive to free our PLHIV from stigma and embrace them as bona fide and productive members of society,” saad ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden