Isyu ng pangingisda ng Pinoy, hahanapan ng solusyon ni Xi

Isyu ng pangingisda ng Pinoy, hahanapan ng solusyon ni Xi

January 5, 2023 @ 11:16 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako si Chinese President Xi Jinping na maghahanap ng solusyon at nakipagkasundo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang kabuhayan ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea (WPS) at iwasan ang anomang hindi pagkakaunawaan.

Nangyari ito nang banggitin ni Pangulong Marcos kay Xi ang kalagyan ng mga mangingisdang Filipino sa WPS.

Sinabi ni Pangulong Marcos na siya ay “very clear in trying to talk about the plight of our fishermen” sa kanyang bilateral talk kay President Xi sa Beijing.

“On the political front, we also discussed what we can do to move forward to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have,” ang pahayag ng Pangulo sa isang panayam.

“And the President [Xi] promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” aniya pa rin.

Nauna rito, kapuwa sinang-ayunan ng Pilipinas at China ang isang kasunduan hinggil sa pagtatatag ng communication mechanism sa maritime issues sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China.

Ang kasunduan ay nilagdaan, araw ng Miyerkules kasama ang 13 iba pang bilateral deals ukol sa “wide range cooperation” na kinabibilangan ng agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, at turismo at iba pa.

Tinuran pa ng Pangulo sa meeting nito kay Xi na siya ay “very optimistic” sabay sabing si Xi ay “seemed to be genuinely interested in all of these issues and finding a way to move forward to again strengthen the relationship between China and the Philippines.”

Inatasan na rin aniya niya si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz na “pursue the subjects that we had discussed.”

Ito rin aniya ay para tiyakin na “they do not remain in the wind but will actually come to fruition so that the effects will be felt by both our people, by both China and both the Philippines, both our peoples to mutual benefit.” Kris Jose