Isyu ng pederalismo, hindi nakalimutan ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA

Isyu ng pederalismo, hindi nakalimutan ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA

July 24, 2018 @ 8:01 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi nakalimutan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itulak ang draft ng Federal Constitution na binuo at isinumite ng Consultative Committee.

Ginamit ni Pangulong Duterte ang kanyang State of the Nation Address (SONA) para itulak ang usaping ito.

Aniya, apat na administrasyon bago ang kanyang termino ang nagtangkang amyendahan ang 1987 Constitution subalit nabigo ang mga ito sa iba’t ibang dahilan.

Kaya para kay Pangulong Duterte itinuturing nitong natatanging karangalan at pribilihiyong tanggapin ang draft Federal Constitution na kumakatawan umano sa pangarap at adhikain ng sambayanang Pilipino.

“I therefore consider it a distinct honor and privilege to have received earlier from the Consultative Committee that I created, the draft Federal Constitution that will truly embody the ideals and aspirations of all the Filipino people,” ani Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, kumpiyansa siyang susuportahan ng mga Pilipino ang bagong Saligang Batas na magpapalakas sa mga democratic institutions at magbibigay ng oportunidad sa lahat para umunlad.

“I am confident that the Filipino people will stand behind us as we introduce this new fundamental law that will not only strengthen our democratic institutions, but will also create an environment where every Filipino—regardless of social status, religion, or ideology—will have an equal opportunity to grow and create a future that he or she can proudly bequeath to the succeeding generations,” aniya pa rin. Kris Jose