Isyu ni Sandro sa pulang sibuyas, fake news!

Isyu ni Sandro sa pulang sibuyas, fake news!

November 27, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinawag ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na fake news ang kumakalat na Instagram story na umiikot sa social media na naglalaman ng kanyang pahayag kaugnay sa pulang sibuyas.

Ang fake news na tinutukoy niya ay ang quote card na nakalagay kung saan sinabi niya dito na sa halip na pulang sibuyas ay puting sibuyas na lamang ang gamitin ng mga Filipino sa pagluluto dahil napakamahal nito.

Dahil dito ay nagawa pang i-share at punahin ng dating kongresista ang naturang bogus post.

Sa kabila nito, tahasang sinabi ni Marcos na hindi niya sinabi kailanman ang ganitong pahayag.

“More fake news, never said this or gave any interview,” sinabi ng presidential son at House senior deputy majority leader sa kanyang Instagram story.

“Try harder guys,” dagdag pa niya na patama niya sa mga nasa likod ng fake news. RNT/JGC