Isyu sa halalan 2022, ‘di na mauulit sa 2025 – komisyuner

Isyu sa halalan 2022, ‘di na mauulit sa 2025 – komisyuner

May 10, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Commission on Election (Comelec) Commissioner George Garcia ngayong Martes na hindi niya hahayaan na mangyari ang kahalintulad na isyu na nangyari ngayong halalan 2022 sa 2025 midterm elections.

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ng komisyuner na kabilang sa malalaking problema na nakaharap ngayong halalan ay ang mahabang pila ng mga botante  sa polling precincts at bilang ng nag-malfunction na vote counting machines (VCMs).

“Sa 2025, anuman ang naranasan natin ng mga nakaraan, dapat hindi na muling mararanasan ito,” saad nito.

“Kung papalarin tayo na nandiyan pa tayo sa Commission on Elections siyempre hindi tayo papayag na may ganitong klaseng aberya,” dagdag pa ni Garcia

Ayon pa kay Garcia, nagdudulot ng mga duda sa integridad ng proseso pero aniya kanila naman itong ipinapaliwanag dahil wala namang may gusto ng naturang mga problema . Jocelyn Tabangcura-Domenden