13 patay sa wildfire sa Chile

February 4, 2023 @4:00 PM
Views: 5
SANTIAGO- Tinupok ng wildfires sa Chile 13 buhay at 14,000 ektarya (35,000 acres), ayonsa mga awtoridad nitong Biyernes, sa pag-iral ng summer heatwave sa bansa sa southern hemisphere.
Namatay ang 11 indibidwal, kabilang ang isang bumbero sa bayan ng Santa Juana sa Biobio, isang rehiyon na 310 milya (500 km) timog ng kapital na Santiago, ayon sa local authorities.
Naiulat din ng Minister of Agriculture ang pagbagsak ng emergency-support helicopter sa southern region ng La Araucania had crashed, na sanhi ng pagkamatay ng isang piloto at isang mekaniko.
Nagdeklara na ng states of catastrophe sa farming at forest areas ng Biobio at mga katabi nitong Nuble,.
Napinsala ang daang mga tahanan habang 39 sunog ang naitala sa bansa, ayon kay nterior Minister Carolina Toha.
âThe conditions in the coming days are going to be risky,â pahayag ni Toha.
Sinabi niya na available ang ground equipment at tumutulong ang fleet ng 63 planes sa pagtupok sa apoy, at inaasahang magiging katuwang ang Brazil at Argentina.
Nagtungo si President Gabriel Boric nitong Biyernes sa Nuble at Biobio, na may pinagsamang populasyon na halos dalawang milyong katao.
âMy role as president today is to ensure that all resources will be available for the emergency and so that people feel that they are not going to be alone,â ani Boric mula sa Biobio.
Binanggit din niya ang mga senyales na maaaring sinadya ang pagkalat ng sunog.
Lumikas ang ilang pamilya sa shelters, ayon sa Chilean disaster agency Senapred.
Batay sa weather forecasts nitong Biyernes, aabot sa 100 degrees Fahrenheit (38 Celsius) ang temperatura sa Chillan, kapital ng Nuble na sinabayan pa ng malakas na hangin na lalong nagpalala sa fire conditions. RNT/SA
Guanzon nabahala sa âcroniesâ

February 4, 2023 @3:45 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- HIndi mapigilan ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na ihayag ang kanyang pagkabahala hinggil sa anunsyo kamakailan ng Malacañang na inaprubahan nito ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO).
Para kay Guanzon, nanganganib mapuno ang opisina ng mga âkaibigan ng administrasyonâ.
âThey might pack this Office with incompetent cronies. Dami naka pila,â saad sa Twitter post ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner.
Subalit, hindi naman nagbanggit si Guanzon, ng pangalan ng itinuturing niyang âcronyâ ng kasalukuyang administrasyon.
Base sa Malacañang, pangangasiwaan ng WRMO ang water resources ng bansa.
Sinuportahan ni Guanzon ang presidential bid ni dating vice president Leni Robredo noong May 2022 national elections. Natalo ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. sa halalan si Robredo. RNT/SA
Defense engagement sa UK, target palawakin ng Pinas

February 4, 2023 @3:30 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Army (PA) ang posibilidad ng pagppaalawig ng relasyon sa United Kingdom, partikular sa land domain training and education, matapos ang pagbisita ng UKâs defense attachĂ© to the Philippines, Group Captain Beatrix VH Walcot.
Sinabi ni PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad nitong Sabado na nagkita sina Walcot at Army vice commander Brig. Gen. Steve D. Crespillo sa kanyang introductory call sa PA headquarters sa Fort Bonifacio nitong Biyernes.
“Brig. Gen. Crespillo, who represented Army chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr., and Group Captain Walcot discussed forging closer security and defense ties between the two nations. The two leaders also tackled bolstering areas of collaboration in the land domain, such as military training and education,” paglalahad ni Trinidad.
Magugunitang nakatanggap ang team ng PA Scout Rangers ng Silver Medal citation sa pre-pandemic Exercise Cambrian Patrol (Ex CP) 2019 sa Wales, UK.
Kabilang sa Ex CP, itinuturing na âBritish Armyâs premier patrolling eventâ, ang mission-focused at scenario-based exercises na naglalayon na palakasin ang kapabilidad ng participating units, base kay Trinidad.
Itinalaga ng British government kamakailan ang resident defense attaché to the Philippines na nakabase sa British Embassy in Manila mula sa nakaraang Brunei-based non-resident attaché.
Alinsundo ito sa 2021 Integrated Review of Foreign and Security Policy ng British government, na tumututok na ngayon sa Indo-Pacific region. RNT/SA
Japanese store na tumatanggap ng bayad na sibuyas, bumida!

February 4, 2023 @3:24 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Sibuyas ang pambayad ng mga kustomer para sa piling items sa isang department store na nagbebenta ng Japan-made home products sa Panay, Quezon City, ngayong Sabado.
Pinapayagan ng Japan Home Centre, ang buyers na bumili ng tatlong items kapalit ng sibuyas, na gagamitin para sa kanilang community pantry. Danny Querubin
206 big ticket projects sa ilalim ng Marcos admin, binubusisi ng NEDA

February 4, 2023 @3:15 PM
Views: 24