Isyu sa right-of-way, delay sa gov’t projects sosolusyunan ng DPWH

Isyu sa right-of-way, delay sa gov’t projects sosolusyunan ng DPWH

November 20, 2022 @ 1:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagharap na ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang solusyunan ang isyu sa right-of-way (ROW) na nangungunang dahilan ng delay sa implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan.

Kasabay ng pagpupulong, binisita ng mga opisyal ng DPWH ang mga programa, polisiya at isyu sa road right-of-way acquisition at iba pang mga legal na usapin.

Ayon kay DPWH Undersecretary for Legal Service Anne Sharlyne G. Lapuz, ang main agenda ng pagpupulong ay upang siguruhin na mapagagaan at mapabibilis ang implementasyon ng mga programa sa pagsasaayos ng ROW acquisitions at pagsasaayos ng mga dokumento patungkol dito.

“Problems on ROW acquisition still remain as the most common cause of delay in project implementation, hence the need to further improve the Department’s ROW processes,” ani Lapuz.

Kabilang pa sa mga napag-usapan ay ang paglilipat ng mga poste na pagmamay-ari ng mga electric cooperatives, funding at claims ng Certificates of Ancestral Domain Titles (CADT) at Certificates of Ancestral Land Titles (CALT); maging ang iba pang ROW-related issues sa rehiyon. RNT/JGC