Isyu sa WPS pinag-usapan sa courtesy call ng US official sa Pinas

Isyu sa WPS pinag-usapan sa courtesy call ng US official sa Pinas

March 9, 2023 @ 11:46 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng courtesy call si United States Undersecretary of State for Political Affairs Victoria Nuland kay Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Kabilang sa napag-usapan sa naturang courtesy call ay ang mga pinakahuling kaganapan sa West Philippine Sea (WPS).

Si Nuland ay nakipagkita kay Manalo noong Marso 6 kasabay ng kanyang one-day visit sa Pilipinas.

“The two officials underscored the importance of the PH-U.S. Alliance and partnership to promoting peace, stability, and resilience in the region,” sinabi ng DFA.

“Secretary Manalo and Ambassador Nuland exchanged views on recent developments in the West Philippine Sea/South China Sea, as well as other bilateral and global issues of mutual concern, with an eye towards identifying concrete measures that the two countries can pursue jointly, and together with other like-minded partners,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa DFA, pinag-usapan din ng dalawa ang papalapit na Defense and Foreign ministerial meetings (2+2) sa pagitan ng US at Pilipinas sa susunod na buwan.

Kasabay ng pagpupulong, parehong sinang-ayunan ng dalawang bansa “to expand the scope of the 2+2 to include broader security considerations, such as food security, energy, cybersecurity, telecommunications, and supply chains”. RNT/JGC