IT-based na modernisasyon sa PNP, BFP, ihihirit ng mambabatas

IT-based na modernisasyon sa PNP, BFP, ihihirit ng mambabatas

July 14, 2020 @ 7:12 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Target ng isang mambabatas sa House of Representatives na magsumite ng panukala sa pagmomordenisa sa pamamagitan ng information technology (IT) systems sa parehong Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa isang pahayag, sinabi ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na mapabubuti ang pagtugon ng bansa sa mga krimen at emergency sa pamamagitan ng IT-based modernization kung saan sakto rin umano ito sa kapipirmang anti-terrorism law.

“For crime enforcement, we need a system that would readily provide a single, flexible collaborative environment that would assist law enforcement, defense, government agencies, and commercial private sector businesses to disrupt criminal, terrorist, and fraudulent activities,” ani Arroyo.

 “There has to be a ready and on-demand access to and analysis of knowledge, information, and intelligence products for enhanced situational awareness. This, in effect, would simplify the creation of complex questions on analysis repository data with human-led visual queries,” giit pa ng solon.

Sa pamamagitan pa umano ng makabagong teknolohiya ay makatitipid pa ang gobyerno dahil mababawasan ang gagastusin sa mga training nga mga personnel.

Nararapat ding magkaroon ng IT-based system ang BFP dahil sila ang tumutugon sa mga emergency.

 “It’s like in the 911 television series we used to watch wherein a caller dials 911 to report an incident and the operators can see the status of individual operating assets at a glance,” ayon pa kay Arroyo.

Giit ng mambabatas na mapapabilis umano ang pagtugon sa mga emergency dahil sa IT system sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa mga malalapit na kamera, pagkakaroon ng detalye sa mga nirerespondehang lugar, pagdiskubre kung mayroong panganib na nagbabadya sa mga nirerespondehang lugar, at pagkakaroon ng pangkalahatang operational information.

 “For now, this may seem to be a bit complicated. But that is precisely why we need to look for the most reliable IT-system provider that would meet these requirements.” RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...