Itaas murderer, hindi political prisoner- DND

Itaas murderer, hindi political prisoner- DND

January 11, 2022 @ 4:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND) nitong Martes na maling tawagin si Juanito Itaas bilang political prisoner dahil nakulong umano ito matapos paslangin si United States Colonel James Rowe noong 1989.

“Itaas, who was working as an operative of the NPA’s Special Partisan Armed Unit (SPARU), was tried and found guilty of killing Col. Rowe, who was the Joint RP-US Military Assistance Group (JUSMAG) Ground Forces Division Chief when he was murdered,” pahayag ni DND Undersecretary Reynaldo Mapagu.

“Itaas served 32 years of his sentence and was released through a court ruling that allowed him to benefit from the Good Conduct Time Allowance credits as provided by Republic Act 10592,” dagdag pa ni Mapagu.

Pinaboran ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang writ of habeas corpus na inihain ng kampo ni Itaas.

Noong Hunyo 1989, binaril si Rowe sa interseksyon ng Tomas Morato Street at Timog Avenue sa Quezon City, kung saan siya nasawi, habang ang kanya namang drayber na si Joaquin Vinuya, ay lubhang nasugatan.

Inaresto si Itaas sa Davao City at dinala sa Maynila, kung saan umamin siya na siya ang bumaril sa sasakyan.

Subalit kalaunan ay inihayag niya na tinorture siya ng mga humuli sa kanya sa Davao City, at binantaan pa umano na umamin sa sworn statements na isinulat ng Central Intelligence Service officer.

Samantala, pinuri ni Mapagu ang judicial system ng bansa.

“This is evidence that our courts and judicial system are functioning in accordance with the Philippine Constitution,” aniya. RNT/SA