Itaewon Halloween crush: Pulis rumesponde sa insidente 85 minuto matapos makatanggap ng tawag

Itaewon Halloween crush: Pulis rumesponde sa insidente 85 minuto matapos makatanggap ng tawag

November 7, 2022 @ 10:42 AM 4 weeks ago


SEOUL – Dumating ang police squad sa pinangyarihan ng Halloween crowd crush sa Seoul halos 85 matapos magsimula ang insidente, ayon sa police data nitong Linggo.

May kabuuang limang police squads ng Seoul Metropolitan Police Agency (SMPA) ang ipinadala sa mismong araw ng crowd crush sa Itaewon district kung saan hindi bababa sa 156 indibdiwal ang nasawi, ayon sa datos na isinumite ng SMPA kay Rep. Lee Tae-won ng main opposition Democratic Party.

Dumating ang No. 11 police squad sa lugar bandang alas-11:40 ng gabi noong Oktubre 29 alinsunod sa utos ni Lee Im-Jae, dating hepe ng Yongsan Police Station na sumasaklaw sa Itaewon. Naitala ang unang tawag sa 112 emergency hotline bandang alas-10:15 ng gabi.

Apat pang squads ang dumating sa lugar mula alas-11:50 ng gabi noong Oktubre 29 hanggang ala-1:14 ng madaling araw noong Okturbe 30, base sa SMPA data.

Napag-alaman din na dumating si Lee — na pansamantalang suspendido sa kanyang pwesto — sa Itaewon police substation ng alas-11:05 ng gabi, halos 50 minuto matapos mangyari ang insidente.

Gayundin, may kabuuang walong units ng conscripted policemen ang inutusang pumunta sa sa lugar ng alas-12:11 ng hatinggabi noong Oct. 30, batay sa datos. Ang papel ng conscripted policemen ay upang sumuporta sa police officers sa ilang tungkulin gaya ng pagpapatrulya.

Dumating ang unang unit ng alas-12:50 ng amdaling araw noong Oct. 30, na sinundan ng pito pa hanggang ala-1:12 ng madaling araw, batay sa ulat.

Ipinagbigay-alam din kay Kim Kwang-ho, hepe ng SMPA, ng Yongsan police chief ang ukol sa pangyayari ng alas-11:36 ng gabi noong Oktubre 29, na umalis sa top police command ing mahigit isang oras, batay sa datos. RNT/SA