Itatalaga sa CHR kinokonsidera na ni PBBM

Itatalaga sa CHR kinokonsidera na ni PBBM

September 16, 2022 @ 10:17 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng konsiderasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng Commission on Human Rights (CHR).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maaaring ianunsyo ni Pangulong Marcos ang mga bagong CHR appointees sa lalong madaling panahon.

“I can’t really say when the appointment is going to be made. I understand it is already under consideration. So maybe any day now. I am not sure,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa isinagawang deliberasyon ng House of Representatives sa naging panukalang 2023 budget ng komisyon, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na ang isyu ng bakanteng posisyon ay naiparating na sa Malakanyang.

Umaasa naman si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na magtatalaga si Pangulong Marcos ng “veritable human rights advocates” sa CHR.

Ang pang-limang batch ng CHR officials ay pormal na magtatapos sa kanilang seven-year term sa Mayo 5.

Sa kabila ng expiration ng termino ng Human Rights commissioners, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakapagtatalaga ng bagong CHR officials si Pangulong Marcos.

Ang paglikha sa CHR ay may mandato sa ilalim ng 1987 Constitution.

“Under the Constitution, the CHR shall be composed of a chairperson and four commissioners whose role is to investigate all forms of human rights violations related to civil and political rights. The constitutional body is given the power to conduct motu proprio investigations or to respond to complaints from parties whose human rights may have been violated,” ayon sa ulat.

Samantala, inanunsyo ni Cruz-Angeles ang mga bagong opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ni-renew ng Pangulo ang appointment ni Aniceto dela Rosa Bertiz III bilang TESDA deputy director general.

Si Bertiz, dating kinatawan ng ACTS OFW Party-list, ay unang itinalaga sa TESDA sa ilalim ng administrasyong Duterte noong 2020.

Pinangalanan din ni Pangulong Marcos sina Josefino Isaac Torres at Teresita Machiavelli Casugbo Mali bilang deputy director generals na kapuwa “coterminous.”

“Torres and Mali will replace Lina Sarmiento and Gabriel Luis Quisumbing, respectively,” aniya pa rin.