Itatayong imprastraktura, dapat disaster-proof – PBBM

Itatayong imprastraktura, dapat disaster-proof – PBBM

August 1, 2022 @ 2:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dapat nang gawing disaster proof ang mga itatayong imprastraktura sa bansa.

Ito’y upang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap.

Ani Pangulong Marcos, importanteng maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye at iba pang gusali gaya ng ospital maging ng mga bahay.

Kasama rin aniya rito ang mga heritage sites.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na kailangang mai-restore ang mga makasaysayang istraktura na winasak ng nagdaang 7 magnitude quake na nagpayanig sa Ilocos region at CAR.

Kabilang dito ang cathedral sa Vigan, ang kalye Crisologo at ang bantay bell tower sa Ilocos Sur.

Napinsala rin aniya ang 19th-century Sta. Catalina de Alexandria Church sa Abra gayundin ang San Lorenzo Ruiz Shrine. Kris Jose