ALS PROGRAM AT LIBRENG KOLEHIYO NI DIGONG

June 29, 2022 @8:20 PM
Views:
79
Hindi mabilang sa daliri ang napakalalaking nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikabubuti ng mga karaniwan at mahihirap na mamamayan.
Kasama rito ang pinalawak at pinatatag na libreng edukasyon sa high school at sa kolehiyo sa lahat ng pampublikong kolehiyo at unibersidad.
Dahil sa mga ito, karugtong ng umiiral nang libreng elementarya at high school, lumaki na nang husto ang mga nakatutuntong sa kolehiyo.
At kasama na rito ang de kalidad at makabagong edukasyon na nag-aangat ng bansa maging sa hanay ng mga kolehiyo at unibersidad sa mundo.
ANG ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Pinairal o pinatatag ni Pang. Digong ang Alternative Learning System sa bisa ng Republic Act 11510 para sa elementarya at high school.
Dito, permanente nang programang pang-edukasyon sa mga walang kakayahang makapag-aral sa normal na paraan gaya ng mga mahihirap, huminto sa pag-aral na misis, mga nakatali sa negosyo at pamilya, matatanda, katutubo, nasa malalayong lugar at iba pa.
Mula rito, pupwedeng tumaas ang edukasyon ng mga benepisyaryo sa senior high school o teknikal at bokasyunal na kurso sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority at iba pa hanggang sa tumuntong at makapagtapos sila sa kolehiyo, Master at Doctorate.
Kahit saan, makakikita tayo ng mga nag-aaral o nagtatapos na katutubo, kasambahay, mula sa mga liblib na lugar, mahirap at maging mayayaman at matatanda o senior citizen at nakatutuwang kasama natin o panoorin sila sa pagkakaroon ng mga diplona na tanda ng kanilang pagtatapos.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, mahigit nang 4.2 milyon ang nakinabang o nakikinabang pa sa nakalipas na anim na taon.
Imadyinin na lang natin, mga Bro, ang pag-angat sa edukasyon at kalagayang panlipunan ng milyones na mamamayan dahil sa ALS na pinagtibay ng isang batas nitong 2020.
GRADUATE SA KOLEHIYO DUMAMI
Sinasabi ngayon ni CHED Commissioner Prospero de Vera na sa mga huling taon ng administrasyong Duterte, lumago nang husto ang pagdami ng mga nakatatapos sa kolehiyo, lalo’t naging libre ito sa bisa ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ginawa niyang batayan ang rekord mismo ng DepEd na noon, bawat 100 na pumapasok sa elementarya, 50 porsyento o kalahati ang nakatatapos ng high school at 25 porsyento na lang ang nakatatapos ng kolehiyo.
Pero sa ilalim ng administrasyong Duterte, sa kabila ng pag-iral ng patakarang K+12 na nagdagdag ng pag-aaral sa elementarya at high school, umaabot na sa 33 porsyento ng mga nagsimula sa elementarya ang nakatatapos ng kolehiyo.
Dumami rin ang mga kolehiyo at unibersidad na na kinikilala ng Times Higher Education mula sa 4-5 lang noon sa nasa 15 na ngayon at naging 2 milyon ang nakikinabang sa libreng kolehiyo
Kung ipagpapatuloy ng mga susunod na administrasyon ang sinimulang programang pang-edukasyon ni Pang. Duterte, balang araw, kakaunti na lamang ang masasabing mababa ang pinag-aralan na dahilan ng maraming kawalan, kasama na ang pagkakataon sa maayos na trabaho, negosyo at pag-aabroad.
Saludo tayo kay Pangulong Mayor Digong at sa lahat ng tumulong para sa malawak, maayos at dekalidad edukasyon para sa lahat.
AGARANG SERBISYO LADY GINAWARAN NG “DRAGON STAR–PANDEMIC HEROES” AWARD

June 29, 2022 @8:18 PM
Views:
55
Nitong nagdaang Linggo, June 26, ang inyo pong Agarang Serbisyo Lady ay pinagkalooban ng pagkilala bilang “Dragon Star Awards 2022 – Pandemic Heroes” na ginanap sa Novotel, Cubao, Quezon city, sa pangunguna ng Quezon City Association of Filipino-Chinese Businessmen, Incorporated (QCBACO).
Kinilala po ang inyong lingkod dahil sa mga nagawa natin noong kasagsagan ng coronavirus disease 2019, kung saan tayo namahagi ng ilang mahalagang kagamitan sa mga ospital, sa mga medical frontliner at sa mga komunidad.
Katuwang ang mga pribadong indibidwal na may ginintuang puso pero ayaw magpakilala, at ang St. Stephen High School Alumni Association (SSHSAA), nakapagbigay tayo ng relief goods, food package at 5 liters na tubig sa mga residente ng Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal; sa San Mateo, Rizal; at sa Barangay Gaya-Gaya at Barangay Muzon sa San Jose del Monte city, Bulacan.
May mga natulungan din tayong maipasok sa ospital noong panahon na halos walang mabakante at mapaglagyan ang mga pasyente. Lubha kasing mahalaga ang buhay para makita mo lamang na masayang dahil sa hindi mabigyan ng tamang atensyon ng mga limitado at pagod na rin nating mga medical frontliner.
Sa totoo lang, bago pa man ang pandemya, nakikita n’yo naman na nagkakaloob na tayo ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan. Itinuloy lamang natin noong pandemya kahit pa sobrang “challenging” dahil sa rami ng health protocols na dapat sundin at gawin, at kakulangan sa transportasyon.
Sa ngalan ng mga indibidwal na tumutulong sa atin at sa mga organisasyon, muli tayong nagpapasalamat sa pagkakaloob sa atin ng pagkilalang ito. Magsisilbi po itong karagdagang inspirasyon para magpursige pa tayong makatulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Sa mga nagtataka kung bakit para bang ako ay hindi tumatanda, malaki ang nagagawa ng pagtulong sa kapwa-tao.
Bukod sa maraming tao ang isinasama ka sa kanilang mga panalangin sa bawat araw, ang magaan at masayang pakiramdam na nakukuha sa pagtulong sa kapwa ay nakapagpapalabas ng mga tinatawag na “happiness hormones” na serotonin, dopamine, endorphins at oxytocin. Alam naman natin na ang mga masasayang tao o stress-free na buhay ay nakababata ng natural.
Karagdagan pa, bagama’t hindi tayo humihingi ng kapalit sa ating mga nagagawang pagtulong, may isang makapangyarihan sa lahat na nakakakita ng pagmamalasakit natin sa ating kapwa-tao, at Siya mismo ay nagbabalik ng kabutihang-loob na ginawa natin.
Kaya sa bawat pagkakataon na maaari tayong makatulong sa ating kapwa-tao ay gawin natin ito, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa dahil malaki ang magagawa nito sa kanilang buhay na lubos ka namang pagpapalain.
GUSTONG KUMABIG NGUNIT WALA NAMANG TAYA

June 29, 2022 @8:12 PM
Views:
109
Ang kakapal din naman ng mukha ng ilang kasalukuyang opisyal na humahawak ng posisyon sa gobyernong hindi naman tumulong sa kampanya ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasing tigas ng adobe ang mukha ng mga walanghiyang hindi na nga nangampanya kay Pang. Bongbong, lumilinya pa ngayon sa mga malapit na kaalyado nito para mapanatili ang kanilang puwesto.
May ilan pang makakapal ang apog na kabilang sa mga nanlait at umalipusta noon kay PBBM ang gumagapang din ngayon para makasungkit ng posisyon.
Tinatarget pa ng mga balimbing ang ilang juicy position sa gobyerno kabilang na ang BOC, PAGCOR, LTO at PCSO kung saan bistado naman ng kampo ng mga pulahan ang pagyurak nito sa pagkatao ni Pang. Bongbong at ng kanyang pamilya noong kasagsagan ng eleksyon.
Nagsimulang luminya ang mga animal mula nang magpalabas ng pahayag si Senator Imee Marcos na kukumbinsihin niya ang kanyang nakababatang kapatid na kumuha ng bright boys sa dati nang umupong Pangulong sina Manay Gloria, PNoy, Mang Fidel at iba.
Akalain mo naman na kumagat ang mga walanghiyang hinay-hinay nang gumapang ng mga puwestong kung titingnan naman ang background ay saksakan ng korapsyon at pandarambong.
May iba pa nga na pinaniniwalaang Bikolanong opisyal na bistado namang nangampanya talaga kay VP Leni subalit nais ding sumawsaw sa administrasyon ngayon ni Pang. Bongbong.
Kumbaga sa giyera, nakiisa na rin sa pagdiriwang ng liberasyon ang mga kempetai o traydor noon sa rebolusyon ng tiyempo Hapon kung saan gusto pang kumabig ng pensyon. Pwe!
Bagaman tahasang sinabi ni PBBM na tapos na ang pamumulitika at kailangang magkaisa ang lahat upang masolusyunan ang kaliwa’t kanang suliraning kinakaharap ngayon ng bansa ngunit hindi naman makatwiran na isama sa kanyang administrasyon ang mga nambaluhara noon sa pamilya nitong dahil baka maging destabilizers pa ng gobyerno.
Ibig sabihin, kailangang maging maingat pa rin ang Pangulo sa paglagay ng mga indibidwal sa puwestong ilan sa kanila ay mga hunyango.
Anomang puna o reaksyon, i-text sa 09999388537/email normanlau[email protected].
TATAK ‘LINGKOD-OCA’ TULOY-TLOY

June 29, 2022 @8:10 PM
Views:
55
Noong nakaraang Lunes, Hunyo 27 ang huling pagdalo ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan sa regular na weekly flag-raising ceremony matapos ang mabungang tatlong termino o siyam na taong panunungkulan bilang Ama ng Caloocan.
Madamdamin na may halong biro na pinasalamatan ng butihing alkalde ang mga nakatrabahong halal na opisyal, mga department at office head, ganundin ang libo-libong kawani na dumalo sa nasabing seremonya.
Sa kabuuan, naging masaya ang programa na nagtagal ng halos dalawang oras, subalit hindi maiukubli sa mukha at kalooban ng mga kawani at mga attendee ang lungkot na nadarama habang namamaalam si Mayor Oca.
Pero ika nga ng magaling na punong-lugsod, walang dapat ikalungkot ang mga empleado dahil nariyan pa rin naman siya – ang subok na niyang serbisyo na kinagiliwan ng ilan nang dekada ay tuloy-tuloy – mananatili.
Hindi man na ito makikita araw-araw dahil gagampanan niya ang bagong trabaho bilang halal na kogresista ng Unang Distrito ng Caloocan, ipinangako ni Mayor Oca na siya’y dadalaw minsan kada isang linggo sa City hall.
Magisisilbi siyang ‘mata’ at ‘tenga’ sa mga mangyayari sa pamahalaang lungsod at kung kinakailangan, aniya, siya’y magbibigay ng tips at gabay kay Mayor Along para masiguro ang tatak ‘lingkod-Oca’ na kinasanayan na.
Magkagayunman, walang bahid na pasubaling idineklarang naniniwala siya sa anak – kayang-kaya, aniya ni Mayor-elect Dale ‘Along’ Malapitan na tapatan kundi man mahigitan ang naging achievement niya sa lungsod.
Malayo na ang narrating ng Caloocan. Mula sa magulo at bagsak na pamayanan, ngayo’y nakikipaghabulan ang Caloocan sa mga progresibong siyudad ng Makati, Maynila at Quezon City kung pag-uusapan ang kaunlaran.
At ang itinuturing na piloto, arkitekto at inhinyero sa mabilis na transpormasyon ng lungsod – mula sa naghihikaos na bayan na tumatamasa na ngayon ng ‘di matatawarang kaunlaran ay si Mayor Oscar Malapitan.
Hindi rin mapapasinungalingan ang malaking ambag ni incoming Mayor Along Malapitan sa pag-unlad ng Caloocan, lalo na sa kanyang distritong Bukid Area na ngayon ay kuta na ng napakaraming nakatayong negosyo.
Kaya kung pagbabasehan ang naging accomplishment ni Mayor-elect Along bilang two-term congressman, aba’y tulad ni Mayor Oca, Ang forecast ko’y siya’y magiging another ‘Oca’ sa pagpapatakb ng Caloocan.
PILIPINAS KAYANG IBANGON NI PBBM SA PAGKAKALUGMOK

June 29, 2022 @7:51 PM
Views:
74