ITCZ, Amihan magpapaulan sa bansa

ITCZ, Amihan magpapaulan sa bansa

October 23, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang Northeast Monsoon (Amihan) sa bansa ngayong Linggo at magpapaulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Mindanao na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Makararanas naman sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Amihan.

Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa naman, makararanas ng “partly cloudy to cloudy skies” na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Magiging moderate to rough naman ang cooastal waters sa seaboards ng Luzon.

Inaasahan naman na ang mga dagat ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:49 ng unaga at lulubog mamayang alas-5:32 ng hapon. RNT/SA