ITCZ, frontal system magpapaulan sa Visayas, Mindanao

ITCZ, frontal system magpapaulan sa Visayas, Mindanao

January 11, 2021 @ 6:33 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magdadala ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang tail-end of a frontal system at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas at Mindanao ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Babala ng PAGASA na posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Makaapekto ang tail-end of a frontal system sa silangang bahagi ng Visayas habang ITCZ naman sa Mindanao.

Samantala, magiging maulap na may mahihinang pag-ulan naman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon dahil sa amihan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na mahihinang pag-ulan dala rin ng amihan.

Aabot naman hanggang apat na metro ang alon sa mga baybayin ng Luzon, Visayas, at hilaga at silangang baybayin ng Mindanao.

Habang mahina hanggang sa katamtaman ang alon sa nalalabing baybayin ng Mindanao.

Sisikat ang araw dakong 6:24 ng umaga at lulubong bandang 5:44 ng hapon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...