ITCZ, LPA magpapaulan sa bahagi ng Mindanao

ITCZ, LPA magpapaulan sa bahagi ng Mindanao

May 2, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN na sasabayan ng kalat na pag-ulan ngayong Lunes dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.

Inaasahan ang pagbaha o landslide sakalaing lumakas ang pag-ulan.

Sinabi ng PAGASA na ang LPA ay nasa 40 km south southwest ng General Santos City kaninang alas-3 ng madaling araw.

“Mababa ang tiyansa nito na maging bagyo,” ayon kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio.

Samantala, nakaaapekto ang frontal system sa Batanes at Babuyan Islands at magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may “isolated rain showers or thunderstorms due to the easterlies and localized thunderstorms.”

Magiging moderate to rough naman ang tubig sa dagat sa Extreme Northern Luzon, kung saan inaasahang aabot sa 3.1 metro ang taas ng alon.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:33 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:13 ng hapon. RNT/SA