ITCZ/LPA magpapaulan sa Visayas, Caraga, Bicol, 6 pang lugar

ITCZ/LPA magpapaulan sa Visayas, Caraga, Bicol, 6 pang lugar

July 5, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Namataan kaninang alas-3 ng madaling araw ang isang Low Pressure Area (LPA) “330 kilometers sast of Juban, Sorsogon” at naka-embed sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, batay sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Caraga, Bicol Region, Palawan, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ)/Low Pressure Area (LPA).

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa naman, magiging maulap ang kalangitan at makararanas ng isolated rain dahil sa ITCZ / localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon ay light to moderate patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay inaasahang magiging slight to moderate.

Makararanas naman sa Visayas at Mindanao ng light to moderate wind speed patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:32 ng madaling araw at lulubog mamayang alas-6:30 ng hapon. RNT/SA