ITCZ magpapaulan sa bahagi ng bansa

ITCZ magpapaulan sa bahagi ng bansa

November 12, 2022 @ 8:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Intertropical Convergence Zone na nakaaapekto sa Mindanao at Palawan sa bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Occidental, at sa timog na bahagi ng Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms due to localized thunderstorms.”

Ang coastal waters ay inaasahang slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:56 ng umaga at luluog mamayang alas-5:25 ng hapon. RNT/SA