ITCZ magpapaulan sa bahagi ng S. Luzon, Visayas, Mindanao

ITCZ magpapaulan sa bahagi ng S. Luzon, Visayas, Mindanao

October 8, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Timog Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magpapaulan sa Visayas, Hilagang Mindanao, Zamboanga Peninsula, Albay, Sorsogon, Masbate, at Palawan ang ITCZ na posibleng maging sanhi rin ng flash floods o landslides “due to moderate to at times heavy rains.”

Mararanasan naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa extreme Northern Luzon ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Mararanasan naman sa Luzon at Visayas ang light to moderate wind speed moving patungong northeast to east direction habang slight to moderate ang coastal waters.

Sa Mindanao, ang wind speed forecast ay light to moderate patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:46 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:41 ng hapon. RNT/SA