ITCZ magpapaulan sa bahagi ng VisMin

ITCZ magpapaulan sa bahagi ng VisMin

November 10, 2022 @ 6:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Mindanao, Palawan, Albay, Sorsogon, at Masbate na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Gayundin, mararanasan sa Batanes ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa naman sa shear line.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dulot ng localized thunderstorms.

Ang wind speed para sa Luzon at Visayas ay moderate patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging moderate.

Makararanas naman ang nga residente ng Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeast to variable direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:55 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:25 ng hapon. RNT/SA