ITCZ magpapaulan sa Caraga, Davao Region, Leyte

ITCZ magpapaulan sa Caraga, Davao Region, Leyte

November 30, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga, Davao Region, at Leyte na sasabayan ng kalat na “rain showers and thunderstorms brought about by the ITCZ with possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains.”

Makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Inaasagan sa Extreme Northern Luzon ang moderate to strong wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay mananatiling moderate to rough.

Para sa natitirang bahagi ng bansa, ang wind speed ay magiging light to moderate patungong east to northeast direction habang ang costal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:05 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:25 ng hapon. RNT/SA