ITCZ magpapaulan sa Caraga, Davao Region, Palawan

ITCZ magpapaulan sa Caraga, Davao Region, Palawan

July 7, 2021 @ 6:30 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Davao Region at Palawan na dala ng ITCZ.

Sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, magiging mahina hanggang sa bahagya ang bilis ng hangin sa direksyon ng silangan patungong timog-silangan habang mahina hanggang sa katamtaman ang mga alon sa mga baybayin.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging mahina hanggang sa bahagya ang hangin na iihip mula silangan patungong hilagang-silangang direksyon habang mahina hanggang sa katamtaman din ang mga alon.

Lulubog ang araw bandang 6:30 ng gabi. RNT/ELM